ANG MGA SINAUNANG KABIHASNAN
Ang "kabihasnan" ay ang rurok ng tagumpay at kakayahan ng isang pamayanan o kalipunan ng mga tao. Sinabing ang sibilisasyon at kabihasnan ay umiiral kapag ang tao ay marunong ng bumasa at sumulat pati na rin ang kakayahan ng kanilang pamumuhay. Ang sama-samang kakayahan ang pinanggalingan ng sibilisasyon.
Habang lumipas ang panahon, marami nang nagawa ang mga sinaunang tao noon sa paghubog ng kanilang kabihasnan gaya ng pagsasaka na bumubunga ng sapat na suplay ng pagkain para sa buong taon.
KABIHASNAN SA MESOPOTAMIA
Pinakaunang kabihasnan na nabuo ay ang sa Mesopotamia. Mahalaga ang Mesopotamia sa kaysaysayan ng daigdig dahil ito'y palaging pinamalgian at sinakop ng ilang matatandang kabihasnan. At, ang Mesopotomia ay minsan ding tinuturing na "Lunduyan na kabihasnan" o "Cradle of Civilizations". Galing sa salitang griyego ang "Mesopotamia" na "meso" na ibig sabihin ay "pagitan" at "tamos" na ibig sabihin ay "ilog". Sa makatuwid, ibig sabihin ng Mesopotamia ay "lupain sa pagitan ng ilog". Tinawag na Ilog Tigris at Ilog Euphrates and dalawang nakapapaligid ng Mesopotamia. Ang heograpiya nito ay pinalilibutan ng iba't ibang uri ng anyong lupa at tubig. Sa hilaga matatagpuan ang kabundukan ng Taurus, sa silangan ang Kabundukan ng Zagros, Sa timog-silangan ay ang Golpo ng Persia at ang Disyerto ng Arabia naman sa timog. Dahil sa matabang lupain at mainan na patubig mula sa mga ilog, bahagi ang Mespotomai sa tinatawag na Fertile Crescent na mga lupain sa Kanlurang Asya. Ang Mesopotamia ngayon ay kilala na sa bansang tinawag na "Iraq".
Fertile Crescent |
Lumipas ang mga panahon at unting-unting nagrerebelde ang mga magsasaka sa Mesopotamia at nagsanib dahilan sa pagkabuo ng mga lungsod-estado kagaya ng Uruk, Krush, Lagash, Umma at Ur.
Sa unang uri ng pamahalaan ng mga taga-Sumeria, pinamumunuan ito ng mga pari na naninirahan sa isang templo na tinatawag nilang ziggurat.
Ziggurat |
Ang mga pari ang nagsilbing tagapamagitan at tagapag-ugnay ng mga tao sa kanilang Diyos. Ayon sa aking pag-aaral, ang mga Sumerian noon ay namumuhay ng parang nomadiko kung saan sila'y naglipat-lipat ng mga tirahan kung kinakailangan. At sa kalaunan, ay gumawa ang mga Sumerian ng isang ideya na gumawa ng mga dam at dikes upang maiwasan ang pagbaha sa lugar at pati na rin hindi masira ang kanilang mga tinanim. Noong 3500 BC, nagsimula nang lumukas ang mga Nomadikong Sumerian sa mga kabundukan patungo sa timog. Pero sila'y nakihalobilu sa mga Mesopotamia at di nagtagal, itinawag nila itong "Sumer" ang bahaging iyon. Dumami na ang mga nakatira sa mga tabing ilog hanggang sa humantong ito sa pagkabuo ng 12 lungsod-estado na pinamumunuan ng lugal o hari.
CUNEIFORM |
Ang mga Sumeryano ang unang nakaimbento ng sistema sa pagsusulat na tinawatag na "Cuneiform" na ibig sabihin ay "hugis sinsel o wedge-shaped.". Dito nila itinatala ang mga kaganapan sa kanilang lipunan na sinusulat nila sa tabletang putik gamit ang isang stylus.
-AKKADIAN-
-AKKADIAN-
Noong 2350 BCE, sinakop ni Sargon ang mga lungsod-estado at unang nagtatag ng Imperyo sa daigdig. Si Haring Sargon (2334 BCE - 2279 BCE) ay mula sa hilagang bahagi ng Mesopotamia sa lungsod ng Akkad o Aggade dahilan sa pagkatawag na kinauna-unahang imperyo sa mundo na "Akkadian". Nagtagal ang imperyo sa higit 200 taon na pinagpatuloy ng kanyang anak.
Haring Sargon |
-BABYLONIAN-
-BABYLONIAN-
Sa pagsapit naman ng 2000 BCE, isang panibagong pangkat ng mga mananakop ang naghari sa Mesopotamia. Sila ang mga Amorites na nagtatag ng kabisera sa Babylon na nangangahulugang "Pintuan ng Langit".
Hammurabi |
Sa panahong ito, ang namumuno ng Babylonian ay si Hammurabi. Umunlad ang Babylonian sa kanilang rurok na kapangyarihan pero sila'y nasakop ng mga kaharian ng mga taga-hilaga, kabilang na ang mga pinuno ng mga taga-Ashur.
Code of Hammurabi |
Ito ang katipunan ng batas ni Hammurabi na mas kilala bilang "Code of Hammurabi o Batas ni Hammurabi". Ito ay isa sa mga pinakamahalagang naiambag sa mga sinaunang tao sa kabihasnan.
-ASSYRIANS-
Ang Assyria ay makikita sa bulubunding rehiyon nasa hilaga ng Babylon. Mula 850 hanggang 650 BCE, sinakop ng mga Assyrians ang Mesopotamia. Sila'y galing daw lupain ng Arabia. Ang Assyrians ay sinasabing pinakamalupit, pinakabagsik, agresibo at palaaway na pangkat ng tao sa Mesopotamia.
Hindi naman nagtagal ang kanilang imperyo sa dahilan na nag-alsa ang kanilang mga nasasakupang mamamayan dulot na rin sa kanilang pagtrato at kalupitan. Natalo naman ulit sila noong 612 BCE sa laban nila sa Chaldean at ibang kaanib na kaharian at tuluyang nagwakas ang kanilang imperyo.
-CHALDEAN-
Sila'y naninirahan sa mga lambak sa may timog ng Mesopotamia, ang ibang tribo ay tumura sa timog ng Borsippa at may tumira din sa Elam at Asya.Nang itinalo nila ang mga Assyrians, itinatag nila ang kanilang kabisera sa matandang lungsod ng Babylon. Naging tanyang ang kanilang kaharian dahil sa ideya ng kanilang hari na si "Nebuchadnezzar" na "Hanging Gardens of Babylon" na isa na sa The seven wonders of the world" na alay niya sa kanyang asawa na si Reyna Aymitis. Sa pagkalipas ng panahon ay nasakop sila ng mga Persyano.
Hanging Gardens of Babylon |
RELIHIYON
Ang mga Sumeryano ay may pinaniniwalaan na 3 000 diyos sa iba't ibang aspekto sa kanilang buhay. Ito ang ilan sa kanilang makapangyarihan na Diyos :
Enlil , Diyos ng Hangin at sa Ulap |
Para sa kanila, si Enlil ang pinakamakapangyarihan na Diyos sa lahat.
Shamash, Diyos ng Araw |
Siya ang Diyos na nagbibigay ng kalinawagan sa lahat
Inanna, Diyos ng Pag-ibig at Digmaan |
Ang pinakamababa nilang antas ng mga Diyos ay si "Undug" na pinaniniwalaang nagdadala ng mga sakit, kamalasan at gulo.
KABIHASNAN SA EGYPT
Mapa ng EGYPT |
Sa kanluran ng Fertile Crescent, sumibol ang isang kabihasnan sa pamgpang ng Ilog Nile. Maagang naging isang kaharian ang "Egypt" di-tulad ng sa Mesopotamia kung kaya nakaranas ito ng matatag at natatanging kultura.
Ang Egypt noon ay hinati sa dalawang bahagi; ang Upper Egypt na matatagpuan sa bahaging katimugan mula sa Libyan Dessert hanggang sa Abu Simbel at ang Lower Egypt na nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea.
Sa kabuuan, and Egypt ay pinanaligiran ng mga disyerto. Sa silangan ng Egypt matatagpuan ang Disyerto ng Sinai, sa timog naman ay ang Disyerto ng Nubia at sa kanluran ay ang malawak na Disyerto ng Sahara. Sa gitna dumadaloy ang Ilog Nile at sa kabilang pampang ang mga pamayanan ng Ehipto.
(Kanluran) Disyerto ng Sahara |
(Silangan)Disyerto ng Sinai |
(Timog) Disyereto ng Nubia |
(Gitna) Ilog Nile |
Sa simula, inihati ang Eypt sa dalawang kaharian sa ilalim ng pamumuno ng kanilang hari na si "Menes" noong 3100 BCE sa kabisera ng Memphis. Nang lumaon, nabago at inihati naman ito s tatlong kaharian - ang Lumang Kaharian, Gitnang Kaharian at Bagong Kaharian.
MENES |
-ANG LUMANG KAHARIAN-
Paraon - ang tawag sa mga namumuno ng kanilang kaharian na kanilang tinuturing diyos.
A. Tungkulin
- Tagapangalaga ng kaharian laban sa mga mananakop.
- Pagsaayos ng mga transportasyon, komunikasyon at pagkikipagkalakalan sa ibang bayan
- Pagsasaayos ng Irigasyon
- pagkontrol sa kalakalan,
- pagtatakda ng mga batas,
- pagpapanatili ng hukbo, at
- pagtiyak sa kaayusan ng Egypt
Ang Lumang Kaharian ay kilala sa tinatawag na "Panahon ng Piramide". Nagsimula na kase ang mga paraon ng pagpapatayo ng kanilang mga libingan sa loob ng isang gusali na hugis piramide.
Ang kanyang piramide sa Saqqara |
PARAON DJOSER |
-ANG GITNANG KAHARIAN-
Si Haring Mentuhotep II ay ang namuno at muling binalik ang Egypt pagktapos ng nagwakas ang Lumang Kaharian.
Ang Ulo ni Haring Mentuhotep II |
Gayunman, ang panahong ito ay pinakios ng mga maharlika, dahilan sa pagtawag ng Gitnang Kaharian bilang "Panahon ng Maharlika". Nakikipag-ugnayan ang mga taga-Ehipto sa Syria at Nuba upang makikipagkalakalan.
Hyksos |
Ang mga Hyksos ay naninirahan sa silangang bahagi ng Egypt. May marami silang kaalaman tungkol sa paggawa ng Chariot, ang pinakaunang sasakyan na naggawa na kanilang ipinakilala sa mga taga-Ehipto at pati na rin ang pagpapanday ng bronse para gawing sandata atbp.
Chariot |
-ANG BAGONG KAHARIAN-
Haring Ahmose I |
Sa pamumuno ni Haring Ahmose I nagsimula ang Bagong Kaharian at binuo niya muli ang Egypt sa ilalim ng kabisera ng Thebes. Isinakop niya muli ang Nubia at canaan , dahilan sa pagtawag ng Bagong Kaharian bilang "Panahon ng Imperyo".
Reyna Hatshepsut |
Si Reyna Hatsepshut ang pinakaunang babae na naging paraon. Siya'y namumuno ng tahimik sa loob ng 19 na taon.
Haring Thutmose III |
Pinalaki ni Haring Thutmose III ang teritoryo nang sakupin niya ang Ilog Euphrates hanggang sa katimugan ng Nubia. Noon, asiya'y kilala bilang "Alexander the Great ng Egypt."
Haring Rameses II |
RELIHIYON
Katulad sa Mesopotamia, ang mga Ehipto ay may pinaniniwalaana na halos 2 000 Diyos . Ilan sa sumusunod ang mga kanilang Diyos:
Mula sa kaliwa, si Ra (Diyos ng Araw) , Horus (Diyos ng Liwanag)
at Isis (Diyosa ng Ina at Asawa)
|
Kumakain ng Kaluluwa |
Paraiso |
PAGSUSULAT
Hieroglyphics |
Papyrus Reeds |
KALENDARYO
Ang bituin ni Sirius |
KABIHASNAN SA INDIA
HEOGRAPIYA
Sa hilaga ng lambak-ilog ay may nakakapaligid ng kabundukan na Hindu Krush,Karakoram at Himalayas. Ito'y pinagitnaan ng Disyerto ng Thar sa silangan at sa kanluran ay ang bulubundukin na Sulayman at Kirthar.
Himalayas |
HinduKush |
Karakoram |
Ang kanilang lungsod ay isinaayos sa paraan ng "Grid system" kung saan nahahati ang kanilang mga kalsada at ang mga tahanan ay may pare-parehong sukat at taas na isang palapag lamang.
Grid System |
PANAHONG VEDIKO NG MGA ARYANO
Mga Aryano |
Vedas |
Ang Vedas ang natatangi nilang tala sa kanilang buhay.
Antas ng mga Tao sa Lipunan
Caste System - pinamulan ng mga Aryano upang ihiwalay nila ang mga nasakop nilang Drabidyano.Brahmin (kaparian) |
Kshatriya (pinuno at mandirigma) |
Vaishya (magsasaka at mangangalakal) |
Shudra (Lahing hindi Aryano) |
PANANAMPALATAYA NG MGA ARYANO
Hinduismo - ang relihiyon ng mga Aryano na pinaniniwalaan na tanging paraan upang lumaya ang kaluluwa ng taosa mga kabiguan, pagkakamali at kalungkutan sa buhay.Upanishads |
Siddharta Gautama |
Si Siddharta Gautama ang nagturo ng Buddhismo sa India. Siya'y lumabos sa palasyo at nabuksan ang kanyang kamalayan sa mga pangyayari ng kanyang paligid. Sa huli, ay nagnilay siya sa ilalim ng isang puno sa loob ng 49 araw at nalaman niya ang dahilan ng kahirapan sa daigdig.
Four Noble Truths |
JAINISMO
May mga 24 na gurong lumitaw sa mundo upang magturo sa mga tao ang pagpapalaya sa sarili ng karma. Sila'y tinawag na "Jina" na ibig sabihin ay "mananakop".
Vardhamana - kilala bilang panghuling guro at ang "founder" ng Jainismo.
Vardhammana |
IMPERYONG MAURYA
Chandragupta |
Si Chandragupta ay isang pinunong militar. Sa kanyang pamumuno, itinatag niya ang Imperyong Maurya. At sa huli ay nasakop niya ang buong hilaga ng India.
Bindusara |
Ito ay si Bindusara. Siya'y anak ni Chandragupta at humallii sa kanyang trono.
IMPERYONG GUPTA
Chandra Gupta |
Pagkatapos ng mga digmaan, namuno si Chandra Gupta sa kaharian ng Magadha. Kanyang pinalawak ang kanilang teritoryo at nanahimik ang lahat.
KABIHASNAN SA CHINA
MAPA NG TSINA |
HEOGRAPIYA
Sa lambak sa pagitan ng mga ilog ng Huang Ho at Yangzte unang sumibol ang China. Makikita sa hilaga ang Disyerto ng Gobi , sa silangan ang Karagatang Pasipiko. Ang nasa kanluran ay ang Kabundukan ng Tien Shan at Himalaya at sa katimugan ay mga kagubatan.
Yangtze |
Huang Ho |
Disyerto ng Gobi |
MGA UNANG DINASTIYA
Dinastiyang Hsia
King Yu Xia |
Ayon sa tekstong tradisyunal ng China, ang Xia o Hsia ang kauna-unahang dinastiyang naghari sa China. Subalit dahil sa kakulangan ng ebidensiya, hindi matiyak kung kailan ito pinasimulan ni Yu, ang unang pinuno ng dinastiya. Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbahang idinudulot ng Huang Ho.
Dinastiyang Shang
King Tang Shang |
Ito'y naging kapalit sa Dinastiyang Hsia noong 1500 BCE. Sinasabing ito ang pinakamaunlad na kabihasnang gumamit ng bronse sa panahong ito. Ang kanilang dinastiya ay may tatlong katangian: (a) pag-uumpisa ng pagsusulat, (b) kaalaman sa paggamit ng bronse at (c) pag-aantas ng lipunan.
Naiwang kasulatan ng panahong ito ang pinakamatanda sa mga panulat sa Tsino na nakasulat sa mga oracle bones o mga tortoise shell at cattle bone.
Oracle Bone |
Dinastiyang Zhou
Zhou |
Napatalsik ang Shang ng Zhou noong nakaraang 1027 BCE at itinutugurian ng "Panahon ng mga Nagdidigmaang Estado"
Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang:
Confucianism - Layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong lipunan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa sarili at pagpapahalaga sa ugnayan ng mga tao sa lipunan.
Confucious |
Taoism - Hangad ang balanseng sa kalikasan at daigdig at pakikiayon ng tao sa kalikasan.
Lao Tzu |
Legalism - Ipinanganak ang tao na masama at makasarili. Subalit sila ay maaaring mapasunod sa pamamagitan ng mahigpit na batas at marahas na kaparusahan
Hanfeizi |
Ang kanilang hari ang kanilang ginawang kinakatawan ng langit sa mundo sa konsepto ng Tian Ming o Mandato ng Langit.
Dinastiyang Qin
Shi Huangdi (Unang Emperador)
Ginapi ng mga pinunong Qin ang mga estado ng inastiyang Zhou at tinalo sa isang digmaan. Sa ilalim ni Ying Zheng ng Qin o Ch’in, nagawang pag-isahin ang mga nagdidigmaang estado at isinailalim sa kaniyang kapangyarihan ang iba’t ibang rehiyon sa China. Inihayag niya ang sarili bilang “Unang Emperador” ng China at kinilala bilang si Shi Huangdi o Shih Huang Ti (221-210 B.C.E.).
IBA PANG KABIHASNAN SA ASYA
-Mga Hitito-
Nabuo ang imperyong Hitito at itinatag ang lungsod ng Hattusass. Gumamit ang mga Hitito ng chariot at ang kanilang utak sa paggawa ng pagpapanday ng bakal para gawing matitibay na pana, palaso, palakol at espada, dahilan sa pagiging makapangyarihan nila sa Asya sa loob ng 450 taon.
Chariot -Mga Phoeniciano- |
Sila'y may lahing Semitiko at nananaan sa baybayin ng Dagat Mediterraneo. Sila'y mahusay sa paggawa ng mga barko at nagtatag ng daungan tulad ng Sidon, Tyre, Beirut at Byblos.
Barko ng Phoeniciano
-Mga Persyano-
|
Ang mga Persyano ay nanggaling sa Persia na naninirahan sa Iran. Sila ay may lahing Indo-Aryano. Ang salitang persia ay galing sa salitang griyego na "persis". Sa ilalim ni Cyrus the Great ay lumawak ang imperyo ng Persia.
Cyrus the Great |
KABIHASNAN SA AMERICA
-Mga Olmec-
Olmec ang tawag sa mga taong goma o "rubber people" dahil sila ang kaunaunahang taong gumamit ng dagta ng punong rubber o goma. Sila'y naninirahan sa baybayin ng Golpo ng Mexico noong 1 200 BCE. Ang kabihasnan ng Olmec ang kauna-unahang kabihasnan na umusbong sa Central America (at maaaring maging kabuuang America)
Ang mga Teothihuacano ay naninirahan sa mga lambak ng Mexico na kung tawagin nila ay "Lupain ng mga Diyos" o Teothihuacano. Sila ay kinilala bilang "Unang Lungsod ng America" noong 150 C.E.
Sila'y tinugurian na mga "Lupain ng Diyos." Sila'y kilala rin sa pinakaunang lungsod sa AmericaAng mga Teothihuacano ay naninirahan sa mga lambak ng Mexico na kung tawagin nila ay "Lupain ng mga Diyos" o Teothihuacano. Sila ay kinilala bilang "Unang Lungsod ng America" noong 150 C.E.
"Pyramid of the Sun" ng mga Teotihuacano |
Quetzalcoatl |
Sumasamba sila sa kanilang Diyos na si "Quetzalcoatl" na isang "Feathered Serpent" na pinaniniwalaan nila na nagbibigay ng kanilang mga kakayahan.
-Mga Mayans-
Nabuo ang kabihasnan ng mga Mayansa isang lugar ng pagsasakahan para sa kanilang Diyos ngunit lumaki ang pamayanan at naging mga lungsod na matatagpuan sa katimugang Mexico at Gitnang America.
Mayans |
RELIHIYON
"Politeistiko" ang mga Mayan dahil hindi sila naniwala sa maraming Diyos. Pero, may pagkakataon na nag-aalay sila ng mga tao sa mga "Cenote", isang malalim na balon bilang sakripisya sa kanilang Diyos.
Cenote sa Mexico - MGA AZTECS - |
Ang mga Aztecs ay nagmula sa hilagang Mexico na kilala sa "Mexica". Unti-unti nilang sinakop ang mga kalapit na kaharian nang kanilang naitatag ang kanilang kabisera sa "Tenochtitlan" . Itinuring na "Extractive Empire" ang mga Aztec dahil hindi talaga nila pinalit ang mga pinuno ng lugar ng kanilang sinakopan.
RELIHIYON
Nagkaroon din ng mga templo ang mga Aztec para sa kanilang Diyos. Ilan sa mga sumusunod ang kanilang mga Diyos:Tlaloc |
Huitzilopochtli |
Tezcatlipoca |
Flowery Wars ang tawag sa digmaan ng mga mandirigma na ang talo ay ang siyang ialay sa kanilang Diyos bilang isang sakripisyo.
- Mga Inca-
Ang imperyo ng Inca ay unang sumibol sa bahagi ng Kabundukang Andes ng South Amerca.Sa pamumuno ni Pachacuti Inca ay lumawak ang kanilang nasasakupan at tinawag ng "Tahuantinsuya" (Land of the Four Quarters).
Pahacuti Inca |
Tahuantinsuya |
RELIHIYON
May mga diyos rin na pinaniniwalaan ang mga Inca. Ilan ay ang mga sumusunod:
Viracocha |
Pinaniniwalaan ng mga Inca na si Viracocha ang tagapaglikha ng mundo.
Inti |
KABIHASNAN SA AFRICA
Ang mga Nok ay na naninirihan sa Nigeria mula 500 BCE hanggang 200 CE. Sila'y mga magsasaka at ang unang nakaalam sa pagpanday sa Africa.
Nok |
Bantu |
Ang mga Bantu ay nanggaling sa Kanlurang Africa.
- Mga Kushite-
Ang kanilang imperyo ay matatgpuan lamang sa katimugan ng "Nubia". Ang pinakaunang hari ng Imperyong Kushite ay si Haring Pianki
Haring Pianki |
- Mga Aksumite-
Ayon sa isang alamat ay pinagmulan ng Kaharian ng Aksum ay pinasimulan ng anak ni Reyna ng Sheba at haring Solomon ng Isael. Ito'y matatgpuan sa hilagang-silangang ng Africa. Ito'y sentro ng ruta ng mga caravan patungong Egypt at Meroe.
Stelae sa Aksum |
Ang stelae ay nagsilbing alaala sa mga tao ng tagumpay ng kanilang hari at kadakilaan ng kanilang kaharian.
~ Ang mga Imperyong Kalakalan ~
- Mga Ghana-
Soninke ang tawag sa mga mamayan ng Ghana. Ang mga Soninke ay marunong sa pagsasaka at pagpapanday. Ang kanilang munting pamayon ay lumago sa isang imperyo dahil ito'y isa sa mga sangandaan ng kalakalan sa Africa.
Soninke |
- Mga Mali-
Sila ay pumalit sa kaharian ng Ghana. Ang naging una emperador ng Mali ay si Sundiata. Kanyang sinakop ang kaharian ng Ghana sa pamamagitan ng pakikipagdigmaan. Isa rin sa mga emperador ay si Mansa Musa.
Sundiata |
Mansa Musa |
- Mga Songhai-
Ang mga Songhai ay kanilang ipinalawak ang teritoryo at namamahala sa mga rutang pangkalakalan. Ang isa sa kanilang pinuno ay si Sunni Ali". Kanyang binuo ang isang barkong pandigmaan at mga sundalo.
Sunni Ali |
- Mga Hausa-
Ang mga Hausa ay dating mga Songhai. Sila'y naninirahan sa hilaga ng Nigeria sa mga lungsod na itinayo na Kano, Katsia at Zazzau".
Hausa |
- Mga Benin-
Ang Kaharian ng Benin ay unang sumibol sa pampang ng Ilog Niger. Sa pamumuno ni Haring Ewuare, lumaki ang terirtoryo ng Nigeria at isinaayos ang kanilang lungsod.
Haring Ewuare |
KABIHASNAN SA PASIPIKO
-Polynesia-
Ang salitang "Polynesia" ay galing sa salitang Griyego na Polus na ibig sabihing ay marami at nesos na ibig sabihin ay pulo. Bahagi nito ang mga pulo tulad ng Fiji, Samoa, Tonga at Tuvalu.
Polynesia |
Polynesian House |
Catamaran |
Ang Catamaran ay inimbento ng mga Polynesians na may dalawang hull o katawan.
-Micronesia-
Ang Micronesa ay halow sa salitang Griyego na Mikros na ibig sabihin ay maliit at nesos na ibig sabihin ay mga pulo. Bahagi ng Micronesa ang pulo ng Guam, Northern Mariana Islands, Kiribati Palau, Federated States of Micronesia, Marshall Islands, Nauru at Wake Island.
Micronesia |
-Melanesia-
Matatagpuan ang Melanesia sa Kanlurang Pasipiko. Sila ay may lahing Austronesian. Galing ito sa salitang Griyego na Melas na ibig sabihin ay maitim at nesos na ibig sabihn ay pulo.